Sunday, September 20, 2009

Erasable Pen

Last visit ni MO sa office, ang pasalubong nya sa buong group ay nabuburang pen.. nde pencil ha.. ballpen.. Namangha kami... nde namen inakala na ganon na kaadvance ang technology.. nakakagawa na sila ngayon ng nabuburang ballpen.. biruin mo un.. ang galing!! nde lang un, nadiskrube ko lately na may iba ibang kulay at point size pa na available.. namangha ulit ako.. ibang level na talaga ang panahon.. sabi nga sa isang site about sa pen na un.. "A breakthrough in writing technology..." oha! san ka pa??? "... they are like a magic pen for adults!.." namamangha ka na din ba??? "The pen writes smoothly, in vibrant colors, and erases without a trace!".. walang bakas.. nde malalaman ng iba na nagkamali ka.. lalo na at nabura mo ito agad.. nde lang lapis ngayon ang pdeng mabura.. pati ballpen.. pati marker pa nga eh.. nagpasalamat tuloy ako bigla at sa panahon ito ako nabuhay.. pano naman ang laking tulong ng ballpen na un para sa mga tulad ko na madalas magkamali at pangit magsulat.. may pagkakataon akong ulitin ang ginawa ko at itama ang pagkakamali ko.. pero nitong mga nakakaraang araw, napag isip isip ko din.. nakakatulong nga ba sya sa akin?? para kasing masyado akong naging kampante sa ginagawa ko at nde na ko nag iisip ng pitumput pitong beses bago ko magsulat ng kahit na ano tulad ng dating ginagawa ko nung nde pa pdeng mabura ung ballpen na gamit ko.. alam ko kasi na anumang pagkakamali ko, maitatama ko naman.. alam kong nde lang second chance meron ako para baguhin un.. pede ko syang burahin ng paulit ulit hanggang masatisfy na ko sa kinalabasan nya.. nde ako nagdadalawang isip na sulatan ang mahahalagang documents na nasa lamesa ko kasi alam ko namang mabubura din to.. nde na ko natatakot magkamali.. andali na para saken magdesisyon.. sana magkaroon na din ng pambura sa lahat ng bagay.. nde lang sa ballpen at marker.. pati sa mga maling desisyon sana.. sa mga maling nagawa at nasabi.. sana may eraser din para dun.. para lumakas din ang loob ko sa ibang bagay nde lang sa pagsusulat.. sana pati sa takot sa pagkakamali may pambura din.. mas dadali na ang lahat.. nde ka na aabutin ng ilang taon para lang isipin kung tama ba o mali na gawin ang isang bagay.. dahil alam mong wala kang pagsisisihan sa huli at pde mong burahin at ulitin ang lahat.. sana madiskubre na din ung pambura na un sa lalong madaling madaling panahon.. at sana lang mura lang sya para kaya kong bilin.. san kaya ibebenta un kung sakali? sa school supply store? o sa drugstore?? hehehe.. pero sabi sa pagkakamali daw natututo ang lahat.. matututo ka pa kaya kung alam mo namang maitatama mo un? papansinin mo pa kaya ung pagkakamali mo na ambilis mo lang naman maitatama?? gugustuhin mo pa kaya magsulat kung alam mong pedeng burahin ng iba ang pinaghirapan mong sulatin?? hmmm... pampagulo talaga ng utak ang ballpen na un.. buti nlang magulo na talaga ang utak ko.. hehehehe... basta sa ngayon alam ko, nakapagpalakas sya ng loob ko.. kahit sa pagsusulat lang.. hehehehe..