november 28,2008, after ng nakakapagod at nakakasakit ng ulong sportsfest closing ceremony.. naghanap muna ko ng tatambayan.. nde ako pdeng dumiretso na ng partas bus terminal dahil mahahalatang ataters ako.. 2pm plang kasi nun.. so sumama ko sa dalawang kaopisina na naghahanap din ng matatambayan habang hinihintay nila ang mga jowa nila na 6pm pa ang alis.. so punta kaming mall.. ikot ikot, kain, kulitan.. at pagawa ng nabibingi kong celphone.. dapat ata hearing aid na lang ang binili ko at nde ko na pinapalitan ung speaker.. wala din naman kasing epekto, bingi pa din sya.. gumagana lang sya habang nasa vicinity ng gumagawa.. pero pag layo ko ng onti, bingi na ulit sya.. at after 45 times ng pagbalik balik ko sa taga gawa, naisipan ko ng humanap ng bagong fone.. pero naalala ko na wala pala kong pambili.. so wala na kong choice kundi ibalik sya sa gumagawa dahil nde lang sya bingi, nde na din sya makapagtxt.. at ng masigurado ko lang na maayos na ulit syang nakakapagtxt, kinumbinsi ko na ulit ung sarili ko na ituloy ang binabalak kong lakad.. nagdadalawang isip na kasi akong umalis.. madami akong naiisip.. hirap kasi pag alam kong mali ung gagawin ko.. well, nde naman sya talaga mali.. sikreto lang kasi sya.. walang ibang nakakaalam kundi ako at ung dapat kasama ko sa lakad at ung iba nameng kaopisina.. pero onti lang sila.. mga kalahati lang ng opisina.. sikreto lang nameng lahat.. hehe.. ang nde nakasama sa may alam ng sikreto e ung pamilya ko.. at ayaw ko ng feeling talaga ng nagtatago ng ganong information.. naiisip ko kasi, pano kung mahold up ako at patayin sa may cubao.. pano kung maaksidente ung bus na sinasakyan ko papuntang ilocos.. pano kung mapahamak ako sa ilocos.. pano kung bumagsak ung eroplanong sasakyan ko pabalik.. pano ko ipapaliwanag un sa pamilya ko e ang alam lang nila nasa makati ako at nagsportsfest? adik siguro talaga mag isip ang taong guilty.. pero naisip ko din, kung patay na ko, nde na ko mapapagalitan.. or magalit man sila, nde ko na alam.. hehehe.. pero bad un.. baka nde ako sa heaven mapunta.. pero matigas talaga ulo ko.. naisip ko din kasi kung nde ko itutuloy ung lakad na un, baka pagsisihan ko din sa huli.. mas mahirap mag isip ng mga what if's at mga if only... so ginawa ko kinausap ko si Lord, sabi ko samahan nlng nya ko.. bonding kami.. siguro sa dami din ng takot ko, sobra sobra talaga pakikipag usap ko sa Kanya... bawat galaw ko ata dasal ako ng dasal.. 8pm, umalis na ko sa mall, desidido na kong ituloy ang nasimulan ko na.. sinunod ko ung payo ni panget na magMRT nlng papuntang kamuning at dun sumakay ng taxi papuntang Partas bus terminal.. pray ako na sana mabait ung taxi driver na masasakyan ko (ayaw ko talaga maglakad sa may cubao.. feeling ko talaga mahohold up ako dun eh.. ) pagdating ko ng kamuning, may mga nakapilang taxi.. may mukang goon na taxi driver.. sya ung nasa unahan ng pila.. ask ko sya kung alam nya ung partas terminal.. buti na lang nde.. so dun ako nasakay sa kasunod nya sa pila.. mukang mabait naman ung driver.. at alam nya ung terminal.. at ng nasa terminal na ko ng partas, andaming tao.. may mga nakapila may mga naka upo at madaming mga kahon kahon sa paligid.. nakipila ko dun sa may vigan na nakasulat sa window.. ung sumunod saken sa pila, isang group sila, mukang magbabakasyon lang din.. pero dahil shy type ako nde ko na sila tinanong.. hehe.. naisipan kong mag deluxe nlng na bus kaso wala na daw de luxe puro ordinary aircon nlng.. may special aircon ata eh.. hehe. ewan ko bakit ordinary aircon ang nakalagay sa listahan nila.. tpos ask ko anong oras aalis ung bus, sabi mga 1030 daw.. so ok saken kasi naiisip ko na baka masyadong maaga ako madating sa vigan, san na lang ako tatambay? so un, tinignan ko ung bus number na nakasulat sa ticket at antay ko kelan sya magsasakay.. upo muna ko at nood.. tpos nung mga 1030 nga.. (on time sila.. in fairness.. hehe) nagsakay na ung bus.. at sa may bintana dapat ako.. kaso ung isang ale, may dalang bata, nakipagpalit sya saken dahil sa 2nd row ako at ayaw daw nya sana sa unahan dahil nga may bata syang dala.. so pumayag naman akong makipagpalit at sa unahan nga ako.. at pray ulit ako.. para sa safe trip.. takot talaga ko dahil nga illegal na lakad.. tpos may maingay na mama.. ewan ko kung back up driver sya basta kakwentuhan nya ung driver at ung kundoktor.. tawa sya ng tawa at ang ingay ingay nyang magwento.. mabuti sana kung naiintindhan ko.. malilibang pa sana ko.. kaso wala naman akong maintidihan sa mga sinasabi nya.. so naiingayan lang ako.. nde tuloy ako makatulog.. pinatay din ung ilaw sa bus so nde ako makakagawa ng IT ko for the next day.. so try ko nlng matulog.. kaso ung katabi ko.. sininok.. kakaiba nga sya sinukin eh.. kakatawa ung tunog.. or pinipigil lang nya kaya ganon... tpos nung may stop over, baba sya.. tpos wala na din ung sinok nya... so try ko ulit matulog.. nagising ako kasi sinok n naman sya.. tpos kala ko may stop over ulit.. kasi nakahinto ung bus.. un pala, wala lang madaanan kasi may naaksidente.. tricycle nabangga ng truck.. sira ung tricycle at may nakahiga sa kalsada, ewan ko lang kung buhay pa, pero malamang nde na dahil nde tinutulungan nung mga taong nakikiusyoso... at napamura din ung katabi ko nung tinignan nya eh.. so nde ko na tinangka talagang tingnan.. meron pang ibang tinitignan ung iba sa side ng road so naisip ko na may iba pang tumilampon sa gilid ng kalsada na sakay nung tricycle.. grabeng aksidente kaya pray ulit ako.. tpos try ko na ulit matulog.. nung mejo nakakatulog na ulit ako, nadinig ko n naman ung katabi ko.. feeling ko pinaglihi sya sa tuko.. kasi un na dinig ko sa kanya eh.. nde na sinok.. hehehe.. nde naman ako makapagsounds kasi tinitipid ko ung battery ng fone ko.. pero siguro sa pagod na din at madaling araw na din, nakaidlip naman ako.. tpos nagising na ko ng 5am.. nde ko alam san na kami basta feeling ko malapit na kmi sa vigan.. so isip na ko san ang first na pupuntahan ko.. naisip ko sa jollibee.. malapit kasi un sa terminal at para makapagbreakfast na ko.. kaso nung nadaanan namen ung vigan cathedral or St. Paul's Cathedral, nakita ko na may ilaw.. so may mass.. sabi ko dun na muna ko pupunta.. papasalamat na din ako at safe nga ako nakarating sa vigan.. sakay ako ng tricycle.. ask nung tricycle kung nag iisa ako.. sabi ko oo.. (dapat sasabihin ko obvious? kaso baka nde ako isakay.. hehe) so sabi ko sa simbahan ako.. sabi nya may dagdag na 20 daw kasi ako lang.. sabi ko sige, ok lng.. pagdating sa simbahan, 25 ang siningil nya.. so naisip ko na 5 lang kaya ang pamasahe? or mali lang ako ng dinig sa kanya nung una.. bahala sya.. tpos nasa cathedral na ko..
at nagmamass so attend na ko... at nde ko n naman naiintindihan.. pero ok lang.. kung ung japanese mass ok lang saken eh.. after the mass, stay pa ko for a while to take pictures inside the cathedral. Afterwards, punta ko ng jollibee to eat breakfast and plan my next destination.. Ang daming bata.. mga student ng don bosco.. wala lang gusto ko lang sabihin.. tpos kain ako at isip ng aking IT for the day.. After eating, I took some more picture on the mini Rizal park they have sa tapat lang ng jollibee. Tapos nagtanong ako sa isang ale na mukang mama kung san ung calle crisologo, 2nd na syang tinanong ko at tinuro
nila is sa likod ng capitolyo.. pero sabi nung ale, nde nya sigurado.. sabi ko ung may mga bilihan ng souvenirs at pinakita ko ung picture sa fone ko.. at sabi nya.. sa heritage... dun yan.. turo sya ulit.. opposite ng unang tinuro nya.. buti nlang may picture ako.. kundi, maliligaw na ko.. hehe.. so I asked kung malalakad lang ba, sabi nya oo daw basta diretsuhin ko ung gilid ng church at liko ako sa may plaza burgos, makikita ko daw ung max's. At sinunod ko nga sya at nakita ko nga ang Plaza burgos, at ung calle crisologo.. At syempre, masaya n naman ako.. ewan ko pero I really love that place.. calle lang naman sya.. siguro tambay ako nung past life ko.. hehe.. or calesa.. nyahahaha.. basta, I took pictures ulit.. ngayon, maliwanag na at walang jologs na payong.. hehe.. at dahil maaga pa, bihira pa din ang mga taong naglalakad.. at bihira pa din ang mga bukas na shops.. pagdating ko sa dulo, naisipan ko ng magpunta sa baluarte.. hanap ako ng tricycle.. at nakita ko ang pila ng mga tricycle at nagpahatid na ko sa baluarte,
ako pa tinanong nung driver kung magkano ang binabayad ko papunta dun.. dapat pala sinabi ko libre lang ako pag nagpupunta dun.. kaso ayaw ko ng magdagdag ng kasalanan so tinanong ko nlng sya magkano po ba singil hanggang dun.. 40 daw.. tpos ininterview ako ni lolong driver, kung taga san ako at kung mag isa lang ba ko.. at kung kelan pa ko sa vigan.. dahil magalang at mabait na bata ako, sinagot ko lahat ng tanong nya.. at nakarating na kami sa baluarte, tinuruan na din nya ko san ako sasakay pabalik.. pagpasok ko sa baluarte, madami ulit bata.. ewan ko kung fieldtrip ba ng lahat ng school nung araw na un.. at ang unang sumalubong saken, pony.. at kambing.. nakakalat lang sila dun.. pagala gala.. ang laki nung place.. meron din silang alagang malaking dinosaur pero binayaran sila ng malaki para nde gumalaw at makisama lang sa mga magpapapicture.. meron ding birds at
camel at duck at kung ano anong animals.. pero nde sila ganon kadami.. ung deer lang ata ang madami dun.. meron din silang butterfly garden at meron din silang show.. may mga featured animals sila na ipapakita sa mga audience at may mga volunteer na pdeng hawakan ung mga animals.. syempre dahil matapang ako, nagtake ako ng madaming picture.. hehe.. tpos kong makita lahat ng animals na nandun, I decided to go na at sundin ang sked na sinet ko.. so labas na ko at nakita ko na may chapel sila.. so daan muna ko saglit at
balik city na.. sa partas bus terminal na ko nagpahatid. kakaalis lang daw nung bus na pa-Laoag.. so antay pa ko ng 1 hour para sa sumunod na bus. habang nag iintay, naglista ko ng mga inaanak ko at mga kelangang regaluhan sa pasko.. hehe.. 2hours travel din papuntang Laoag.. pinigilan ko pa pala ung sarili ko na bumili sa Marsha's delicacy.. Marsha nga ba un? nde ko sure pero masarap ung kalamay nila.. hehe.. pero nde ako bumili kasi bawal nga ako magkaron ng ebidensya.. so pagdating sa Laoag, sakay ako ng tricycle at pahatid ako sa Jollibee.. kain ako ng lunch at plano ulit san ako pupunta sa Laoag.. after ng lunch, nagtanong ako sa isang crew how to get to Ilocos museum.. turo naman nya, so punta na ko dun..
History ng Ilocos norte ang nandun.. mga gamit ng mga ninuno nila, mga pinagkakakitaan nila, at may typical lumang bahay sa loob nung museum.. akyat ako at nakakatakot kasi luma nga mga gamit at ako lang mag isa.. feeling ko may gwardya sibil na lalabas.. hehe.. pero naiko ko pa ung sala at kusina.. ung kwarto ang nde ko talaga kayang pasukin.. picture lang ako from the door.. tpos ikot ako baba ako sa kusina.. at ang galing, may souvenir shop sa silong nung lumang bahay.. at aircon pa.. hehe.. tpos labas ako sa shop direcho palabas na din sa museum.. after ng museum, punta naman ako sa st. William's cathedral.. kaso nung nakita ko ung church, dismayado ako.. inisip ko pa kung un talaga ung cathedral nila..
kaso may nakasulat na pangalan.. so un na nga un.. took some pictures at hinanap ko ung sinking bell tower.. at sinking nga sya.. nilalamon na sya ng kabihasnan.. hehe.. nde ko makuhanan ng picture na maayos kasi madaming nakaharang na kawad ng kuryente.. so tawid ako para puntahan ung tobacco monument.. pagkatapos hanap na ko ng tricycle ulit para sa balak kong pagpunta sa paoay church.. at ang maswerteng driver na una kong nakita ang kinontrata ko para maghatid saken sa mga balak ko pang puntahan.. nagtawaran kami at pinagbigyan naman nya ko pagkatapos kong umiiyak ng onti dahil sa mahal ng singil nya.. hehe.. so tuloy na kami sa Paoay Church.. sobrang layo pala nun.. kala ko ilang hakbang lang pagkatapos ng malacanang of the north.. nde pala... mga limampung tambling pa pala.. kaya pala mahal ang singil ni kuyang driver.. at ininterview na naman ako nung driver tanong nya tulad din ng tanong ni lolong driver.. kung ako lang mag isa, kung kelan pa ko sa Laoag, kung san san na ko napunta at kung hanggang kelan ako.. pagkatapos kong sagutin ang mga katanungan nya.. at pagkatapos ng 10 yirs, nakarating din kami sa Paoay church.. ang ganda!!!!!!! fav
orite ko na syang church.. at dahil na din sa tulong ni kuyang tour guide, may picture din ako! yey! nde ko pinabayaang wala akong picture dun.. hehe.. tinuro nya saken ung mga famous landmark na malalapit lang sa church.. nakinig ako pero wala naman talaga kong balak puntahan.. tinanong din nya ko kung ako lang mag isa.. at naisip ko na nakakainis din pala ung ganong tanong lalo na kung ulit ulit at obvious naman.. hehehehe.. tpos ng pictorial ko, pasok din ako sa church to take some pictures.. may nagkacharismatic sa loob pero nagpicture pa din ako.. tpos, balik na ko sa aking sasakyan.. at sinabihan ang driver ko na punta na kami sa malacanang.. hehehe.. so diretso na nga kami sa malacanang of the north.. after 30 mins, nasa malacanang na kami, may registration pa sa gate, at dun nainterview ako n
g dalawang guard, nakagawa pa sila ng wento about my lovelife sa maigsing oras ng pagfill up ko sa log book.. sabi nila, iwanan ko na ung bf ko at masama ang ugali kasi pinababayaan akong mag isa.. galing ng imagination nila.. hehehehe.. tpos sa pinto ng malacanang, bayad ng entrance fee at interview ulit with the guard.. same question.. kung bakit ako nag iisa.. at kung gusto ko ba na samahan ako nung isa pang guard habang naglilibot dun sa malacanang.. sabi ko, ok lng po ako.. salamat nalng.. so libot libot ako.. madami ding ibang tao, so mejo mahirap kumuha ng magandang picture..
may mga bigla nalng kasing nasasama sa pictures ko.. hehe.. at ng nag eenjoy na ko sa kakakuha, biglang na low bat ang camera ko.. huhu.. wala na kong extra battery dahil na discharge na din dahil sa sportsfest.. nagtingin tingin ako sa paligid at nakakita ko ng outlet.. lumingon lingon ako at ng masigurado kong nag iisa ko sa kwartong iyon, sinaksak ko ang charger ko.. hehhehe.. habang nagpipicture ako, sa loob ng kwarto, dumating ung guard, sinilip lang nya ko.. tpos umalis din ulit.. tpos may
caretaker na naman at may tinutour syang isang pamilya.. malas naman dun pa sila sa kwarto na un nag ikot, so nung nakatalikod silang lahat, tinanggal ko na ung charger ko.. ewan ko kung nakatulong un sa battery ko.. pero nakapagpicture pa ko ng madami dami sa loob at labas ng mansyon.. ng wala na talaga laman ang battery ko.. balik na ko sa sasakyan at nagpapahatid na ko sa airport.. tinanong pa ko ni kuyang driver kung wala na ba kong ibang pupuntahan.. sabi ko wala na kong alam eh.. tinanong nya ko kung napunta na ko sa St. Williams cathedral.. sabi ko.. oo.. pero sabi ko nde ko sure kung un nga un, buti nlng at kinaya pa ng naghihingalo kong battery at naipakita ko sa kanya ung St. Williams na napuntahan ko.. sabi nya, nde daw un un.. so sabi ko,
ok lng ba sa kanya na dumaan muna kami dun sa cathedral kahit na out of the way sya papuntang airport.. ok naman sa kanya.. so un.. balik kami sa city at direcho cathedral.. naisip ko na maganda ung simula at pagtatapos ko ng date namen ni Lord.. naisip ko din na napaaga ata ang pagbibisita iglesia ko.. hehehehe.. tpos ko magpasalamat sa magandang araw na binigay Nya saken.. nakakuha din ako ng magandang anggulo ng sinkin
g bell tower.. wala ng masyadong kawad ng kuryente.. hehe.. nagpahatid na ko talaga sa airport.. at naisipan ko din na ibigay na kay kuyang driver ung unang singil nya saken.. kung tutuusin sulit lang pala ung hinihingi nya.. kaya pagdating sa airport, nagpaalam na ko kay kuyang driver at nagpasalamat.. tumambay ako sa airport na tatlo pa lang kaming pasahero.. naisip ko na napaaga ata ako, pero naisip ko din na wala naman na akong ibang pupuntahan.. kaya ok lng na dumiretso na nga ako sa airport.. dun sa airport, nag intay ako ng ilang oras para sa lahat ng makakasabay ko sa plane.. inenjoy ko nlng
din ang airport ng Laoag.. spanish din ang architertural design dun.. parang may alam ako sa architecture.. hehe.. basta, parang luma din sya.. pero maganda.. at nakuhan pa yan ng magaling at maaasahan kong camera.. hehehehe.. huling kuha na yan ng camera ko bago sya tuluyang namahinga kaya yan na ang best shot sa airport.. hehehe.. at ng nagsasalita na ung tyan ko, saka ko lang naalala na meron pa pala ko dapat na pinuntahan.. kainan.. 8 pa nga pala ung flight ko.. pero natatamad na kong lumabas para maghanap ng fud.. meron pa naman akong chocolate at gatorade.. good combination noh? pero ok na din sa taong gutom.. nadelayed pa ang flight ng 20 mins.. sa plane, may nakilala pa ko.. isang group sila kaso lima sila kaya nahiwalay sya ng upuan.. at sa malas nya.. nakatabi ko sya.. hehe.. at dahil sa kabutihan ng loob nya, kinausap naman nya ko.. nagkakwentuhan kami sa loob ng isang oras.. at frends na kami.. natanong din nya saken kung nag iisa ba ko.. at sa kanya ko na sinabi ung gusto kong isagot sa una pa lang na nagtanong saken kung nag iisa ba ko.. sabi ko, nde.. may kasama ko nde mo lang nakikita.. nyahahahhaa.. nde siguro sya natakot sa kasama ko kasi kinausap pa din nya ko.. at naipakilala pa nya ko sa mga kasama nya.. nagpicturan pa kami sa airport.. kaso wala akong kopya nung picture.. nde ko din nasabi na padalan ako ng kopya at nde ko din nasabi kung san nila pdeng ipadala at nde ko din natanong kung pano ko sila makokontak ulit.. kaya mananawagan pa ko sa kung sinoman ang makakita ng picture ko na may kasamang 2 girls at 3 boys sa picture na nakapost sa friendster, sa multiply o kung san man, pakisabihan lang ako.. hehe.. sobrang antok na din kasi ako.. sobrang pagod at sobrang pagmamadali na makauwi.. gusto ko kasi pag nagtxt ako sa mama ko na nasa bahay na ko.. totoong nasa bahay na ko.. kaya nakalimutan ko na ang lahat... baka nga akalain nila na ayaw ko silang kasama eh.. sana n lang magkita kita pa kami ulit.. hehe.. at mahal ko na ang cebu pacific.. maganda na ang bagong terminal nila at madaling makahanap ng taxi.. at nde lang airport taxi ang nandun.. meron ding mga ordinary taxi.. convinient sa mga lakwatserang tulad ko.. =) at jan nagtatapos ang kwento ng katapangan ko sa paglalakwatsa mag isa.. sa lakad na to, natutunan kong magdasal ng paulit ulit at nalaman ko din na bawal na bawal maglakwatsa ng nag iisa.. hehehe..
Monday, December 1, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

1 comment:
i really love it jenpot
Post a Comment